Thursday, July 7, 2011

The Long and Winding Road...

Tiga-Las Piñas ka ba?  Madalas ka sa ba Las Piñas?  Mahilig ka bang magpupunta sa SM Southmall o kaya sa ATC?  May sarili ka bang kotse?  Motor?  "Professional" commuter ka ba?  Siguro alam mo na ang tinutumbok ko.  Ang walang humpay na trapik sa Alabang-Zapote Road.

Naranasan mo na bang maipit sa trapik?  Yun bang tipong alam mong malapit ka nang bumaba pero malayo pa para lakarin na lang? Sa pagkakatanda ko ay sinimulan nilang biyakin ang kalsada noong November 2010 eh. Susko pagsasikip baga naman ng kalsada noon... teka.. hanggang ngayon pa pala...

Hulaan nyo nga kung saan ito...
At dahil nga sa ganyan, madami jan ang nagpasiya na lang na gamitin ang kanilang mga motorsiklo para baybayin ang daanang ito.  Pero minsan (at madalas yang minsan na yan ha),  kahit anong uri ng transportasyon ang gamitin mo, ay talaga naman hihinto ka rin nang medyo may katagalan.  Ito ay dahil tatlong linya na ang sinakop ng hukay ng Maynilad sa kalsada.  Naalala ko yung isang kasamahan ko sa trabaho, nagmula sa Pulang Lupa, nakarating sa opisina namin sa may Pilar na masama ang loob. Oo, nag-commute lang siya. Mantakin mo ba naman, inabot kaya siya ng dalawang oras mahigit!  Aba, yung dalawang oras na yun ay byahe ko na sa Tagaytay pamula sa bahay ko ah!

Me isa rin akong katropa.  Dating nakamotor din.  Siguro dahil sa nabwisit na sa init at alkabok dulot ng walang katapusang pagbubungkal ng semento ng Maynilad, binenta ang motor at bumili ng kotse...  Aguy! Ngayon halos hindi na namin makasama dahil ang 300 pesos na gas ng kotse nya ay kulang pa para pumunta sa tambayan at bumalik sa bahay niya. Ngayon nag-iisip ulit siya bumalik sa motor.  Siguro dala na rin ng kantiyaw at inggit sa byahe namin.

Minsan, hindi lang trapik ang dulot ng pagbubungkal na ito.  Yung isa kong kaibigan, nasemplang ang motor dahil sa buhanging nakakalat sa kalsada dulot ng pag-ulan.  At bago pa siya nasemplang ay may nauna nang dalawa sa kanya nung araw na ring yon.  Tsk, walang siyang nagawa kundi umuwi ng may bitbit na "tocino" sa siko at tuhod.  "Tapa" yun sigurado matapos ang ilang araw.

Hay... kelan kaya maayos ang Alabang-Zapote Road...



1 comment: