Teka, sino nga ba itong nagsulat nito? Kalma lang... darating tayo jan...
Mangyari ay maraming nang karanasan ang dumapo sa akin. Mga nakakatuwa, nakakainis, malungkot, kagula-gulantang, walang kwenta, maraming kwenta, kagalit-galit at kakilig-kilig. Ngunit, sa lahat ng karanasan kong ito, isa lang naman talaga ang tanong ko sa sarili ko... Ano ba talaga ang gusto kong mangyari?
Sa dami ng aking napagdaanan, hindi ko lubos maisip kumbakit sa pakiramdam ko ay parating may kulang. Parang parati na lang na hindi ako masaya sa kinalabasan ng lahat ng gawain ko. At dahil doon, kadalasan din ay nauuwi ito sa bokya.
Nung bata pa ako, natatandaan ko na ang buhay namin maayos sa kabila ng mga problemang dinaranas ng halos lahat ng pamilya. Bininyagan ako bilang isang katoliko ngunit hindi ako nahilig sa pagsisimba. Hindi sa wala akong pananampalataya, ngunit ayaw ko lang talaga sa mga lugar na kung saan ay napakaraming tao... yung pakiramdam mo ay kada galaw mo ay may masisiko ka. Hindi ko rin hilig ang magpipila ng mahaba sa restaurants, ATM, registration windows, sinehan (pero wag ka, tiniis ko lahat yun nung ipalabas ang unang "Transformers" na pelikula), at sa mga ibang lugar na kelangan kang pumila ng mahaba. Ang tingin ko sa mga pumipila ng mahaba ay mga langgam na alinsunod lamang sa daloy kahit labag sa kalooban o prinsipyo nila.
Tumanda ako ng ganito ang nakasanayan. Nakapagtrabaho ako ng ganito ang sistema. Maayos naman sa simula ngunit kalaunan ay hindi na ako nagiging masaya. Pakiramdam ko ay napipilitan lamang akong sumunod ng sumunod ng sumunod sa kung saan man ako dalhin ng utos sa akin. Yung tipong wala ka nang pagpipilian kundi ang sumunod na lamang kahit ito ay inaayawan mo na.
Sunod sa agos ng buhay. Yan ang isa sa mga pinag-iisipan ko. Dapat nga ba akong sumunod na lamang ng sumunod sa dikta ng kapaligiran ko? Oo, maari kang dalhin nito sa maganda. Tutal, ikaw rin naman ang pipili sa pag-aanuran mo eh... parati namang may pagpipilian kadalasan nga lang ay wala sa mga pagpipilian ang talagang gusto mo. Parang kalsada lang na ang pagpipilian mo pagdating sa dulo ay kaliwa o kanan lamang.
Taong 2007. Dahil na rin sa pagkabagot sa pagsakay sa jeep na ubod na nga bagal ay para pang nanadya ang tsuper na magpatagal sa kakaintay sa pasaherong mukha naman ayaw sumakay, nagpasya akong bumili ng motorsiklo. Ang motor na ito ang nagsilbing paa ko sa pagparoo't parito sa trabaho, grocery, tambay at gala. Noon ay takot na takot ako sa motor, ngunit dahil na rin sa pangangailangan (isipin mo, ang pagpunta ko sa trabaho pag naka-jeep, isang oras... pag naka-motor, 20 mins), napagpasiyahan kong magmotor na lamang. Di naman pala nakakatakot. Nakakatuwa pa nga. Pakiramdam ko, ako ang may kontrol sa buhay ko at hindi ang kung anumang agos na pilit tumutulak sa akin. Sa buong buhay ko, ang pagbili ko ng motor ang masasabi kong isa sa pinakamasayang bahagi ng buhay ko.
Nakarating rin ako sa mga lugar na hindi ko pa nararating noon. Calatagan, Nasugbu, Pampanga, at iba pa. Naranasan ko na rin ang maaksidente na kamuntikan nang tumapos sa akin pero hindi iyon lumikha ng anumang takot. Medyo nadagdagan nga lang ng ingat. Nakilala ko ang mga taong magpasahanggang ngayon ay itinuturing kong mga tunay na kaibigan.
Ano nga ba ang tunay na kaibigan? Maraming nagsasabi na ito yung taong makakasama mo sa maraming pagkakataon, sa hirap at ginhawa... HELLO!!! Hindi na basta kaibigan yun! Asawa na ata ang tawag dun. Sa akin, ang tunay na kaibigan, bagama't nakakasama mo nga, ay iyong may kapupulutan kang pwedeng makatulong sa diskarte mo sa buhay. Marami na akong nakasama na matagal... sa magulo at mabuti... pero hindi lahat ng taong iyon ay maituturing mong kaibigan. Minsan, kahit ano pang tagal o lalim ng inyong pinagsamahan, siya ay maituturing mong kakilala lamang. Ang tunay na kaibigan, ay iyong taong kahit sasandali mo pa lang nakakasama ay naipapakita mo sa kanya ang tunay mong pagkatao na hindi ka mangangambang iiwan ka pag hindi nila trip ang mga trip mo. Kadalasan, sila yung mga taong kahit anong dami ng kapintasan mo ay tanggap ka nila kahit na alam ninyong lahat na napipilitan na lamang ang isa't-isa (haha!!). Sila yung mga taong alam ang ang kalikaw ng bituka mo. Sila yung taong kibot pa lang ng kilay ay nagkakaintindihan na.
Mabuti akong kaibigan, yun ang sabi ng mga kaibigan ko sa kin. Masayahin daw ako. Parang wala daw akong pinoproblema. Kengkoy. Patawa. Joker. Mahusay daw akong makinig. Me magagandang payo daw ako. Hindi ko alam kung totoo nga ang sabi nila sa akin, pero parang ayaw kong maniwala. Masayahin ako, oo... pero iba ang masayahing tao sa masayang tao. Mahusay daw akong makinig. Siguro, pero bakit yung taong dapat kong pakinggan ay hindi ko narinig ng ayos (kagulo tuloy...).
Ganito pala kapag nagsusulat. Ganito pala kapag me gusto kang sabihin pero ayaw mong me makaalam ng sinasabi mo. Ganito pala kapag naiwan ka sa tapat ng computer at naubusan na ng gagawin. Ganito pala kapag mejo "emo" ka na sa kakaisip sa nangyayari sa buhay mo. Ganito pala.
Oo nga pala, di pa ko nagpapakilala. Ako pala yung taong akala mo walang pakealam sayo. Di mo lang alam, hirap lang akong maglabas ng saloobin ko sa yo dahil hindi ako sanay ng kinaaawaan. Ako yung taong akala mo pinabayaan ang samahan natin. Di mo lang alam, hindi ako nagpabaya, hindi ko lang siguro nasunod lahat ng gusto mo. Ako yung akala mo binalewala ka. Di mo lang alam, hinahanap ko yung dati nating pagkakakilala kasi muntik na kong masanay nang wala ka. Sabi mo magkaibigan pa rin tayo... kaso hindi tayo basta magkaibigan lang eh...